top of page

Paalala - Spoken Poetry


Paalala by Cristo Rey Aquino

Featuring: Jalia Maguinungca

Paalala: Ang mga alaalang ipapaalala ko sayo ay nakapapatay ng mga taong nagmamaangmaangan. Nakalulunod ng mga taong hindi marunong sumugal sa pagmamahal. Nakababaog ng mga taong nangiiwan. Naaalala mo pa ba kung saan tayo nagsimula? Sa mga akbayan, biruan, tawanan na nagsilbi nating simpleng tahanan. Sa mga nakaw na sulyap na ating pinagtiyagaan. Sa mga pahiwatig ng kalabit na hindi natin naiintindihan. Naaalala mo pa ba nung dahan dahan nating sinimulan? Ang pag-gising sa umaga na walang ibang gustong makusap kundi ang isa’t isa. Ang pag-tulog sa gabi na walang ibang gustong maging laman ng panaginip kundi ang isa’t isa. Naaalala mo pa ba nung unang beses na nangako tayo sa isa’t isa? Na aalagaan mo ako at aalagaan kita. Na sasaluhin mo ako at sasaluhin kita. Na mamahalin mo ako at mamahalin kita. Naaalala mo pa ba nung unang beses na nagkahawak ang mga kamay natin? Sa harap ng Diyos habang kumakanta ng Ama namin. Na walang ibang panalangin kundi, “sana mapanindigan ang mga bumubugsong damdamin” Naaalala mo pa ba nung sa wakas eh sinabi mo sa akin na “mahal kita”? Na kahit sa hangin mo lang binulong. Kahit na hindi narinig ng mga tenga ko. Alam ko, na narinig ng puso ko . At naaalala mo rin ba? Nung unang beses tayong nagkaaway? Dahil sa hindi mo maintindihang x and y. Na kahit anong paliwanag ko ay hindi mo kayang tanggapin dahil mas pinaniniwalaan mo ang sarili mo kaysa sakin Naaalala mo pa ba nung unang beses na binitawan mo ang mga pinanghahawakan nating pangako? Nung nahulog ako sa imburnal, sabi mo hindi mo ako kayang alagaan kasi ang baho baho ko. Kaya walang ibang gumamot ng mga sugat ko kundi ako. Naaalala mo pa ba nung mas pinipili mo nang makasama ang mga kaibigan mo kaysa sakin? Tinatanggalan mo ako ng halaga. Pinapakapit sa sinulid ng pag-asa. Pinapalamon ng mga tira-tirang pagmamahal. Naaalala mo rin ba kung paano tayo nagtapos? Na isang araw, gusto mo nang bumitaw sa pag-ibig nating kapos. Na isang gabi sabi mo, “Pwede bang maging magkaibigan nalang ulit tayo?” Ang dahan dahan nating pagsisimula, biglaan mo lang tinapos. At pagkatapos, hinayaan mo akong magdusa mag-isa. Sa umaga, tanghali, hapon at gabi binabangungot ako ng mga alaala mo. Binabangungot ako ng mga alaala nating nakakandado sa utak ko na sabay nating tinapon ang susi sa karagatan. Kaya kailangan kong languyin ang dagat, mahanap lang ang susi. Upang sa wakas eh makawala na ako sa mga alaala nating unti unting pumapatay sakin. Upang sa wakas eh matanggap ko na hindi mo na ako mahal. Upang sa wakas eh matapos na ang lahat, lahat ng paghihirap ko…. At nung oras, basang basa akong nakangiti at hawak hawak ang susi, Bumalik ka, dala dala ang mga masasaya nating alaala. Umaasang mabigyan nang pangalawang pagkakataon ang tayo. Habang ako, bigat na bigat sa pighati ng ating nakaraan. Kaya pasensya kung mas nangingibabaw yung sakit. Yung hapdi na hindi malayo sa bituka. Yung kirot sa tuwing nasisilayan ko ang iyong mukha Pasensya, dahil ngayon mas alam ko na. Na hindi ako ang dapat mong balikan.

Paalala: Kung babalik ka, wag ako ang balikan mo. Balikan mo ang mga masasakit kong alaalang tinapon mo lang sa basurahan.

Paalala was written and performed by Cristo Rey R. Aquino, also known as Crey, at the Word Attack Spoken Poetry studio. If you're interested at having your own spoken poetry video, feel free to contact us.

Crey's Facebook, Twitter, and Instagram Visit our YouTube Channel for more spoken poetry videos.

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page