Bridges by Ciara Fernando
PROLOGUE MIKE’S POV
“Why don’t we go to beach, hon’?” Bahagya akong napapikit sa kiliting natatanggap galing sa hinahangin niyang blonde na buhok. Dinungaw ko siya at napangiti sa sarili. You got this girl, Mike. Sino pa ba ang hindi mo nakukuha?
“That’s nice.” Beach is fun, right? Besides, this hot chica would make this vacation even more fun. Yakap pa lang niya sa braso ko, isang sign na ng masayang bakasyon.
“What do you think, Art?”
Nakangiti kong dinungaw ang kanina pang tahimik kong bestfriend. Wala sa sariling nakatingin siya sa harapan at halatang hindi niya ako napapansin. “Bro!” “Ugh! What was that for?!” Iritado niyang hinihimas ang braso niyang sinuntok ko para magising siya.
“You spaced out!”
Hindi niya ako pinansin at lumingon ulit sa harapan. Seryosong seryoso siyang nakatingin sa may uwang ng pool area at unti-unting ngumingiti. Sino na naman kaya target ng mokong na ‘to? Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang mga pinsan ko na masayang nagtutulakan sa pool…teka, pinsan ko?! Tangina!
“YOU LIKE ELLA?! The fck, bro!”
Kung suntok lang ang ginawa ko sa braso niya kanina, tinulak ko na talaga siya ngayon na kinatumba niya. Gulat siyang tumayo pero kalmado pa rin kahit umuusok na ako sa galit.
Gago ‘to, parang wala pa ring pakialam!
“Ano bang pinagsasabi mo?!”
“You gawked at her as if you're gonna pounce pn her! Pinsan ko ‘yun, pare, the fucking bro code, man!” Dinuro duro ko siya. Hindi ko gustong nagkakagusto sila sa mga pinsan ko.
Syempre, wala akong tiwala sa kanila. Mga siraulo ‘to eh, hindi ko naman magiging kaibigan ‘tong mga ‘to kung matitino ‘to.
“Ha?!”
Lumaki nang bahagya ang mata niya na akala mo santong nagulat. Tumingin siya ulit sa tinitignan niya kanina at napahalakhak nang malakas.
“Hindi ako kay Ella nakatingin, baliw ka na ba? Nakatingin ako kay Cass!”
Napakunot naman ang noo ko at dinungaw ulit ang pool area at true to his words, nakita ko ang umaahong brown na kulot na buhok ni Cassandra mula sa tubig na napalitan ng mukha niyang tumatawa. Nagulat ako nang tuluyan siyang umahon bigla sa pool. Sobrang puti niya kaya napakunot ang noo ko sa silaw nang sandali siyang napatingin sa banda namin. Nawala ang ngiti niya, umirap, at tumalikod.
“Hanggang ngayon? Tangina, usad din, pre!”
Umiling iling ako sa kaibigan ko. High school pa lang kami, hulog na talaga loob nito dun. Isa siya sa mga barkada ng mga pinsan ko simula preschool pero wala akong maalalang interaksyon naming dalawa. Kahit kasi sa iisang village kami nakatira, napakamailap nun. Kaya tignan mo ‘tong si Arthur, hanggang tingin na lang.
“So ano, beach?” Pag-iiba ko ng topic para gumaan naman pakiramdam nito.
“Ha? Sino may sabi?” He smirked.
“This pretty lady.” I counter-smirked.
Akala mo makakaganti ka, ha? Alright, I suck at names. Nakakalito kasi, pare-parehas yung iba ‘tas yung iba naman magkakatunog: Ciara, Chiara, Sarah, Sarrah, Farrah. And believe me, manhid na yung mukha ko sa ilang sampal dahil sa maling pangalan na nasasabi ko…,so I retreat to the best option: Nothing. Walang pangalan, gawan ng paraan. If they don’t like it, then leave.
“Which name was it again?” He grinned.
“Chelsea?” It came out as a question, and I felt a familiar sting on my left cheek bago pa ako makatingin sa kaniya.
“My name is Suzanne! Who’s Chelsea?!” She’s hysterical now. Tangina, malamang ang pula ng mukha ko ngayon. I just looked at her at syempre, umalis siya.
“Dude! What was that for?!” Natatawa kong hinihimas ang sinampal ng flavor of the week ko. Wala pang weekend, mukhang magpapalit na agad ako. Panirang Arthur!
“I said that two minutes ago. Think of your own line!” He laughed.
“Screw you and your Cassandra!”
“Damn it!” He covered my mouth at tumingin tingin sa paligid. Sinigaw ko kasi ‘yon, pero imposible naman marinig ako nung mga yun. Isa pa, wala silang pakialam. Tinanggal ko ang kamay niya at lumapit sa bar para kumuha ng beer.
“Bakit kasi hindi mo ligawan? Naduduwag ka ba?”
“Paano? Sige nga, paano? Babalik ako sa Australia bukas. Next year pa ulit yung balik ko dito tapos for one week lang ulit.”
“Edi long distance.” I shrugged habang iniinom yung beer na nakuha ko. Mas lumapit na kami sa pool area. Tinawag ako nila Ella at Earle at kumaway lang ako. Wala ako sa mood lumangoy.
“I can’t. Kilala ko si Cassandra.”
Tumawa ako nang malakas doon sa sinabi ni Art.
“Yeah right, eh natotorpe ka nga eh, paano mo nakilala?”
“Fck you!” Sabay palo niya sa beer na iniinom ko kaya medyo natapon nang kaunti yung laman. Natawa lang ako kaya umiling ulit. Bumuntong hininga siya. “Basta, she’s not like most girls”
“Alam mo, kung natotorpe ka, why don’t you just hire someone na manliligaw sa kaniya for a while, and you can be anonymous. I mean, girls love mysteries, you know.”
Natahimik siya bigla at natuwa naman ako. Ang talino ko talaga. Biruin mo, si Arthur na magaabogado, napatahimik ko. Isa kang alamat, Mike! Nawala ang katahimikan ng paligid sa malakas na pagtawa mula sa grupo ng mga pinsan ko. Tumatawa nang malakas si Cassandra habang nakaupo sa gutter yung isa nilang kaibigan na pinormahan ko last week, hinihimas yung legs niya at namimilipit sa sakit.
“Si Kate yun, di ba?” Tumingin ako sa kay Arthur na nagtataka kung sino ang tinutukoy niya at tumingin ulit ako sa gawi ng mga pinsan ko. “Yung pinormahan mo bago yung blonde kanina! Ano ka ba naman?”
“Ah, oo, pano mo nakilala?” Nag-migrate na kasi sila Arthur sa Australia two years ago kaya nakakagulat na kilala niya ito. Bumabalik balik na lang dito kapag bakasyon para makahinga sa demands ng tatay niya.
“Bestfriend ni Cass, seatmate niya nung Literature.”
Tumango-tango ako. Basta talaga may kinalaman kay Cassandra, wala siyang hindi napapansin. Hindi naman torpe ‘to dati eh. Nagsimula lang noong junior year, after he took an advanced class sa literature. Dun ata sila nagkakilala. Arthur’s a big sucker for books at ganun din ata yung isa. Sa aming magbabarkada, si Arthur lang ang nakaka-experience ng advanced classes. Siya kasi ang pinakamatino sa’min. He was forced to, though. Mahigpit kasi si Tito Eugene, pero at least, may tatay siya.
“Dude, I have a plan!”
“Yay!” Sarcastic akong pumalakpak pero hindi natinag ‘tong kaibigan ko.
“Why don’t you court her?” hinawakan niya yung dalawa kong balikat na tinabig ko naman agad.
“G^go.”
“I’m serious!” Binalik niya yung kamay niya sa balikat ko. At kumumpas kumpas. “Capture her heart for me para walang kawala.” He looked too serious. “Tapos, sabihin mo nililígaw mo ako.”
“Seryoso ka ba diyan?” Natatawa kong inalis ulit ang pagkakakapit niya sa akin at nababasa ako ng beer niya.
“Yes!”
“Oh, eto, beer. Baunin mo sa Australia.”
Siraulo. Akala ko ba ang taas ng tingin niya dun? Tingin niya papatol sakin ‘yon? Sabagay, alam ko namang magaling ako sa mga babae… pero asa, hindi ako uto-uto!
“Seryoso ako, Mike! Look, I can’t stay here for long di ba. Tell her that. Basta ilakad mo ‘ko!”
“No.”
“Tangina naman eh, I did everything for you. Ito lang hinihiling ko sa 'yo. Isa lang 'to, paps.”
Tinignan ko siyang maigi. Mukhang seryoso nga ang gago. Hindi ko alam na ganito pala kalalim ang tiwala sa’kin ng kumag na ‘to. Pero sabagay, sanggang-dikit na kami nito dati pa eh. Pagbibigyan ko na lang nang matahimik na, besides, asa naman makuha namin ‘tong si Cassandra. Taong sili yon eh, konting kibot, singhal.
"Fine.”
“That’s my bro! Cheers!” To be continued....
Click here to go to the original post on Facebook.
Comments